PABATID SA AMING MGA MAHAL NA TAGATANGKILIK

Ang Calumpit Water District (CWD) po ay nakatakdang magsagawa ng paglilinis ng main line ng tubig sa Brgy. PUNGO upang maiwasan ang biglaang paninilaw ng tubig kung lumalakas at humihina ang presyur ng linya.

 Ang gawain pong ito ay tatagal ng lima (5) hanggang sampung (10) oras depende sa dami ng duming lilinisin sa linya. Kaugnay po nito, aming inaabisuhan na pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang Brgy. Pungo, Kanto Daang Hapon (Sampalok) hanggang Boundary Purok 5 Looban, Calumpit, Bulacan sa ika-21 ng Marso, 2021, araw ng Biyernes, simula ika-9 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi (9:00am to 7:00pm) upang bigyang-daan ang nasabing gawain. 

Pinapayuhan po namin na mag-ipon ng tubig na gagamitin para sa nasabing mga oras ang mga apektadong residente sa nasabing lugar. Para sa anumang katanungan tungkol sa nasabing aktibidad, maaaring magsadya sa aming tanggapan sa 

M. Serrano St., Corazon, Calumpit, Bulacan o tumawag sa mga numero ng tanggapan:

 (044) 675-1453 at 913-0079 loc. 123, 115 o 116. 

Pauna na po ang aming paghingi ng paumanhin sa abalang idudulot ng nasabing gawain. Umasa po kayo na aming maibabalik ang normal na suplay ng tubig sa itinakdang panahon. Maraming salamat sa inyong lubos na pang-unawa.

Mula sa pamunuan ng CWD